Home NATIONWIDE Agosto 30 idineklarang holiday sa San Juan

Agosto 30 idineklarang holiday sa San Juan

MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Agosto 30 bilang special nonworking holiday sa San Juan City bilang paggunita sa Battle of Pinaglabanan, ang kauna-unahang major battle ng Philippine Revolution noong 1896.

Ang holiday ay sinasalamin ng Proclamation No. 649, na may petsang Agosto 8.

Layon ng bigong pag-atake na hulihin ang mga armas mula sa targeted powder magazine upang armasan ang nasa 1,000 kalalakihan.

Sa kabila nito, ang mga armas ay naipamahagi na a Spanish troops.

Noong 1974, pinasinayaan ang Pinaglabanan Memorial Shrine sa Pinaglabanan Street at nagbukas din ang San Juan City government ng museo sa loob ng shrine noong 2006. RNT/JGC