Home NATIONWIDE Drug probe ng Kamara dededmahin ni Digong

Drug probe ng Kamara dededmahin ni Digong

MULI ay dedma lamang si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sakali’t imbitahin ng apat na House joint committees na dumalo ito sa pagdinig kaugnay sa di umano’y extrajudicial killings sa panahon ng war on illegal drugs ng kanyang administrasyon.

“FPRRD (former president Rodrigo Roa Duterte) said he won’t attend because it’s a useless exercise. Resource persons are not allowed to explain. The committee members stop them from speaking out,” ang sinabi ni dating presidential chief legal counsel Salvador Panelo.

Sa ulat, sinabi ni Manila’s 6th congressional district Benny Abante na plano ng House joint committees na imbitahan si Digong Duterte kasunod ng naging pahayag ni dating Iloilo City MayorJed Mabilog na ang kanyang pangalan ay kasama sa narcolist dahil hindi niya sinuportahan ang dating Pangulo sa 2016 elections.

Winika ni Abante, co-chairman ng House Quad Committee, na pipilitin niyang imbitahan si Digong Duterte para marinig ang panig nito ukol sa alegasyon na ibinabato laban sa kanya.

Para naman kay Panelo, “a lot of nonsense.” ang sinabing dahilan ni Mabilog kung bakit ang kanyang pangalan ay nasa narcolist.

“Except for Gov Angel Amante of Agusan del Norte, no LGU heads supported him, yet when he became President he supported all of them in their programs and projects,” ang sinabi ni Panelo.

“Mabilog should answer the drug charge if there is one. If there is none because he flew to the US to escape prosecution, he should be prosecuted if the government has the evidence,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, sina Duterte at dating -Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ay inimbitahan na dumalo sa House drug war probe subalit kapuwa tumanggi ang mga ito na dumalo.

Giniit naman ni Abante na bibigyan ng paggalang ng Kongreso si Dela Rosa at hindi isa- ‘cite in contempt nor issue a show cause order’ kapag tumanggi ito na dumalo sa pagdinig sa Kongreso. Kris Jose