Home METRO Drug suspect arestado, P170k shabu nakumpiska sa Taguig

Drug suspect arestado, P170k shabu nakumpiska sa Taguig

MANILA, Philippines – Arestado sa isang buy-bust operation ng mga tauhan ng Taguig police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isang tricycle terminal sa lungsod.

Kinilala ng Taguig City police ang nadakip na suspek na si Rasul Ebrahim, 27.

Base sa report na isinumite ng Taguig police sa Southern Police District (SPD), inaresto si Ebrahim dakong alas 11:00 ng gabi sa ikinasang buy-bust operation ng SDEU sa tricycle terminal ng Triumph na matatagpuan sa Barangay South Signal, Taguig City.

Sa isinagawang operasyon ng SDEU ay nakarekober ang mga operatiba sa posesyon ng suspect ng limang plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000, dalawang tig-P100 piso na nakapatong sa P1,000 boodle money na ginamit sa naturang buy-bust operation.

Ang narekober na ilegal na droga at nai-turnover na sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. (James I. Catapusan)