Home HOME BANNER STORY Travel alert sa 4 lugar sa M’danao pinaluwag ng US

Travel alert sa 4 lugar sa M’danao pinaluwag ng US

MANILA, Philippines – Ibinaba ng United States ang kanilang travel alert para sa apat na pangunahing destinasyon sa Mindanao – Davao City, Davao del Norte, Siargao Island, at Dinagat Islands.

In-update ng Departamento ng Estado ang kanilang travel advisory para sa Pilipinas noong Mayo 16, na ibinaba mula alert level 3 (pag-isipan ang paglalakbay) sa 2 (mag-ingat sa ppaglalakbay) ang antas ng alerto sa apat na lugar.

Ang update ay sumasalamin din sa pagpapawalang-bisa sa “state of national emergency” sa Mindanao.

Inalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “state of national emergency” dahil sa kawalan ng batas sa rehiyon noong Hulyo 2023 sa pamamagitan ng kanyang Proclamation No. 298.

Pinawalang-bisa ng dokumento ang Proclamation No. 55 ni Pangulong Rodrigo Duterte, na inilabas noong 2016 kasunod ng pagsabog sa Davao City noong panahong iyon. RNT