Home METRO Dry run ng cashless toll collection sa CAVITEX umarangkada

Dry run ng cashless toll collection sa CAVITEX umarangkada

MANILA, Philippines- Sinimulan na ng PEA Tollway Corporation, operator ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), ang dry run ng 100% cashless toll collection sa toll plazas nito ngayong Sabado.

Ang mga motoristang dumaraan sa CAVITEX toll plazas sa Parañaque at Kawit, Cavite ay mayroon dapat na Radio Frequency Identification (RFID) stickers na nakakabit sa kanilang sasakyan sa dry run.

Walang bukas na cash lanes sa dry run.

Base sa operator, pagkatapos ng dry run, ang mga motoristang walang RFID stickers ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P2,000 para sa second offense, at P5,000 para sa mga susunod na offense.

Ipapataw din ang parehong multa sa mga motoristang matutuklasang gumagamit ng tampered o pekeng RFID device.

Subalit, kung ang motorista ay may RFID sticker subalit kulang ang balance, pagmumultahin ito ng P500 sa first offense, P1,000 para sa second offense, at P2,500 para sa mga susunod na offense.

Hindi pa malinaw kung hanggang kailan tatakbo ang dry run. RNT/SA