Home NATIONWIDE DSWD: AICS para sa lahat

DSWD: AICS para sa lahat

MANILA, Philippines- Hindi lamang para sa mahihirap ang government cash Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS. 

Iginiit ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na bukas ang AICS para sa lahat ng Pilipinong humaharap sa crisis situation tulad ng malubhang kasakitan.

“Lahat pwedeng lumapit. Maaaring ngayon ay nakakagaan tayo pero biglang nagkaroon ng malubhang sakit sa pamilya. Hindi mo naman na-program. Nasa krisis ka na technically speaking. Hindi namin tinitingnan kung mayaman o mahirap basta mamamayan ka ng republika at kailangan mo ng tulong pinansyal dahil may pinagdaraanan kang krisis medikal ay talagang tutulungan ka,” aniya sa isang panayam.

Inilahad niya na nagbibigay ang DSWD ng financial assistance na P100,000 hanggang P300,000 sa mga indibidwal na nasa crisis situations. 

Nakasaad sa DSWD website na nagbibigay ang AICS ng “immediate response to cases of individuals and families in crisis situation through the provision of financial and material assistance.”

Kamakailan ay pinanumbalik ng Department of Social Welfare and Development ang paglalabas ng guarantee letters (GLs) para sa mga Pilipinong nangangailangan ng cash aid para sa medical at funeral expenses matapos itong itigil noong December 2023.

Paliwanag ni Gatchalian, kinailangan itong ihinto ng DSWD upang maayos ang “books” nito at mabayaran ang partner hospitals. 

Susuriin din umano ng case workers ang kapasidad na magbayad ng indibidwal, mga kamag-anak na maaaring magbigay ng tulong, at iba pang pamantayan bago maglabas ng guarantee letter. 

“Iba-iba ang (pwedeng maibigay) kaya humihingi kami ng copy ng medical abstract. I a-assess ‘yan ng mga social worker, yung estado ng tao at claim,” anang opisyal. RNT/SA

Previous article6 akusado sa missing sabungeros case pinayagang makapagpiyansa; DOJ umapela
Next articleTINGNAN: Traslacion 2024 pinaplantsa na