Home NATIONWIDE 6 akusado sa missing sabungeros case pinayagang makapagpiyansa; DOJ umapela

6 akusado sa missing sabungeros case pinayagang makapagpiyansa; DOJ umapela

MANILA, Philippines- Hiniling ng Department of Justice sa Manila Regional Trial Court Branch 40 na mabaligtad ang desisyon nito na makapagpiyansa ang anim na akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na nakasaad sa inihain nilang motion for reconsideration na hindi tama na nabigyan ng pansamantalang kalayaan ang mga suspek.

Iginiit ni Clavano na malakas ang ebidensya laban sa mga ito at malakas ang kaso na kanilang isinampa laban kina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Roberto Matillano, Jr.

Sinabi ni Clavano na muli silang magtatakda ng pulong sa pamilya ng mga nawawalang sabungero para mabigyan ng update sa kasong kidnapping and serious illegal detention na isinampa laban sa mga suspek.

Una nang iniugnay ang kaso ng missing sabungeros sa sinasabing match-fixing anomaly kung saan ang mga naglalaro ay hinihinalang sinasabotahe ang kanilang sariling manok dahil palihim na tumataya sa kalaban. Teresa Tavares

Previous articleMga estudyanteng sapul ng pagpapahinto sa SHS program sa SUCs kasya sa public schools – DepEd
Next articleDSWD: AICS para sa lahat