Home NATIONWIDE Mga estudyanteng sapul ng pagpapahinto sa SHS program sa SUCs kasya sa...

Mga estudyanteng sapul ng pagpapahinto sa SHS program sa SUCs kasya sa public schools – DepEd

173
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na may sapat na bilang ng mga pampublikong paaralan para sa 17,700 incoming Grade 12 learners na apektado ng pagpapahinto ng senior high school (SHS) program sa state and local universities at colleges. 

“Yes, kakayanin naman ‘no. Nakipagugnayan na tayo sa lahat ng mga regional offices and SDOs (Schools Division Office) kung saan meron tayong enrollees sa mga local universities at nakikita natin nga sa Grade 11 natin, out of the 17,700, nasa average na 250 learners per division ang nakikita nating ia-accommodate sa mga division offices na public schools,” pahayag ni DepEd Assistant Secretary Francis Bringas sa isang panayam.

Nauna nang sinabi ni DepEd Undersecretary Michael Poa na mayroong dalawnag opsyon ang SHS learners: mag-enroll sa public schools na nag-aalok ng basic education o mag-enroll sa private schools at mag-avail ng voucher program. 

Ayon kay CHED chairman Prospero de Vera III, naglabas na ang DepEd ng abiso na wala nang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GATSPE) beneficiaries mula sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), maliban sa mga papasok ng Grade 12.

Inihayag ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas nitong Miyerkules na posible itong magresulta sa sapilitang paglipat ng SHS students sa private schools na sumisingil ng mas mahal na tuition at mga bayarin, o pagtigil sa pag-aral ng iba kung hindi sila tatanggapin sa public schools dahil sa kakulangan ng pasilidad.

Samantala, sinabi ni Bringas na naging agresibo ang DepEd sa mganakalipas na taon upang makapagbigay ng sapat na gusali at mga guro para sa mga apektadong estudyante.

“The past administration and the present have been aggressive in providing high school buildings, as well as teachers in all of our schools nationwide. Kaya nung nag-end dapat ‘yung transition period natin 2021-2022, we have already provided for enough senior high school buildings and teachers at patuloy pa rin naman tayong nagbibigay ng mga facilities and personnel sa ating mga senior high schools,” dagdag niya.

Samantala, sa Kamara, sinita ni Kabataan party-list lawmaker Raoul Manuel ang DepEd at CHED sa pagpayag na mag-enroll ang senior high school students sa SUCs at LUCs bago ipahinto ang programa.

“Hinayaan lang ng DepEd at CHED na mag-enroll ang nasa 18,000 students sa senior high school ng SUCs at LUCs. Tapos eventually ipapatigil ang senior high school program nila at papalipatin ng school bago maka-graduate. Ano ito, prank?” pahayag ni Manuel nitong Huwebes.

“As a graduate of an SUC high school program, I empathize with the students, families and schools who will be affected by this,” dagdag niya.

Ayon naman kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro, dapat nagkaroon ng serye ng konsultasyon sa mga estudyante, magulang at mga guro bago itinigil ang programa.

“Affected students will have to make way to our already packed public high schools, while the SHS teachers’ job will be in limbo because of this,” aniya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here