Home NATIONWIDE DSWD magpapadala ng karagdagang 14,000 family food packs sa Batanes

DSWD magpapadala ng karagdagang 14,000 family food packs sa Batanes

82
0

MANILA, Philippines- Magpapadala ng karagdagang 14,000 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na apektado ngayon ng bagyong Leon.

Sa ginanap na DSWD Media forum, nitong Huwebes, Oktubre 31, sinabi ni Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer ng National Resource and Logistics Managment Bureau na may pauna nang mahigit 5,500 food packs ang naikarga sa barko ng Coast Guard at ibibiyahe mula Pangasinan patungong Batanes.

Ayon kay Yaranon, bukod dito, pinakilos na rin ang DSWD Cagayan Field Office para makapagpadala pa ng karagdagang food packs hanggang sa mabuo ang target na 14,000 FFPs.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Office of Civil Defense para sa pangangailangan nito ng air assets na tutulong para sa mabilis na paghahatid ng relief packs.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,658 food packs ang nakahanda sa Batanes.

Samantala, tiniyak ng DSWD na mabibigyan ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Leon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here