Home ENTERTAINMENT Carla, sumagip ng asong na-hit and run!

Carla, sumagip ng asong na-hit and run!

Manila, Philippines – Consistent talaga si Carla Abellana sa pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa mga hayop.

Isa na naman kasing aso ang kinupkop ng Kapuso actress.

Ibinahagi ni Carla ang kanyang mahabang kuwento sa Instagram.

Nasa van na raw siya pauwi galing sa taping isang gabi kamakallan nang maispatan niya ang nasagasaang aso sa NLEX.

Kaagad niyang iniutos sa kanyang driver na huminto at mag-park sa gilid ng madamong lugar kung saan sumiksik ang nasugatang aso.

Nagpasama rin si Carla sa kanyang personal assistant para ilawan kung saan sumuot ang aso.

Finally, when they found the dog ay isinugod na nila ito sa isang 24/7 Vet Hospital for treatment.

Hindi raw kasi maatim ni Carla na basta na lang iwan ito sa NLEX sa ganoong kalagayan, lalo’t the dog was all skin and bones.

Inihiga raw niya ito sa sahig ng van, tinabihan, inilagay ang kanyang rosaryo sa ulo nito at nag-alay ng dasal.

Kinakausap din daw ni Carla ang aso to keep it awake.

Sa wakas ay nakarating sila sa ospital kung saan sinuri ng veterinarian ang aso.

Milagrong matatawag ni Carla ang findings ng doktor.

Ayon kasi sa X-ray result nito, dog did not sustain broken bones as in zero frartures.

Sa tuwa ni Carla ay kasama na niyang umuwi sa bahay ang aso na binigyan niya ng generic name na “Puppy.”

Kasabay nito’y nanawagan si Carla sa mga motorista na magpreno kung may nakikita silang hayop sa daan.

Good things, isang katulad ni Carla ang nakakita sa Puppy.

May your tribe increase, Carla! Ronnie Carrasco III