MANILA, Philippines- Bilang paghahanda para sa All Saints’ Day, sinuspinde ang number coding scheme para sa mga bibiyhae para sa Undas at sa long weekend.
Kinumpirma ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isang abiso na baka-post sa social media page nito.
“Suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa: Oktubre 31, Huwebes, upang bigyang-daan ang mga bibiyahe sa paggunita ng Undas at long weekend,” pahayag ng MMDA.
“[Maging sa] Nobyembre 1, Biyernes, paggunita ng All Saints’ Day na isang special non-working holiday,” dagdag nito.
Ayon sa MMDA, bukas ang Hotline 136 nito para sa anumang emergency sa kalsada at mga tanong ukol sa traffic laws, travel restrictions, maging road assistance. RNT/SA