MANILA, Philippines- Kasalukuyang umiiral sa Batanes ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa paghina ni Tropical Cyclone Leon bilang bagyo nitong Huwebes ng umaga, base sa state weather bureau PAGASA.
Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA, sinabi nitong itinaas ang TCWS No. 2 sa Babuyan Islands habang ikinasa naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Mainland Cagayan
Isabela
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias)
Ilocos Norte
Ilocos Sur






