MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ang half-day suspension ng trabaho sa lahat ng opisina nito ngayong Huwebes para sa paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Sa abiso, sinabi ng LTO na kasado ang work suspension ng alas-12 ng tanghali.
“In line with Memorandum Circular No. 67, s. 2024 from the Office of the President, a HALF-DAY WORK SUSPENSION will be observed in ALL LTO OFFICES on OCTOBER 31, 2024, starting at 12:00 NN,” pahayag ng LTO.
“This is to allow employees to participate in All Saints’ Day and All Souls’ Day observances, accommodate travel, and support local tourism,” dagdag nito.
Magpapatuloy ang regular na operasyon sa LTO offices sa Lunes, Nobyembre 4. RNT/SA