Umapela sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag magbigay ng limos sa mga batang nasa lansangan, kabilang na dito ang mga homeless individuals, at mga myembro ng Indigenous Peoples’ (IP) groups partikular na ngayong panahon ng kapaskuhan.
“The DSWD would not like to dampen the Christmas spirit. Gusto pa rin po natin na magbahagi po ng tulong lalong-lalo na sa mga bata, so the responsible means of doing that is to reach out to them, remove them from the streets dahil sila po ay nalalagay sa mga risks o kinakaharap po nila yung mga possible na kapahamakan,” sabi ni DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, sa ginanap na Thursday Media Forum sa DSWD New Press Center.
Ginawa ni Dumlao ang apila batay na rin sa Presidential Decree (PD) No. 1563, o Anti-Mendicancy Law, na nagbabawal sa pagbibigay ng limos o soliciting charitable donations sa mga street individuals at religious organization na isinasagawa sa kalsada.
Upang maiwasan ang pagbibigay ng limos, hinihikayat ni Assistant Secretary Dumlao, na sa halip na magbigay ng pera o limos ay magbigay na lamang ng tulong sa ibang paraan tulad ng gift-giving, feeding sessions, medical missions, storytelling sessions, at group caroling na may-coordination sa local government units (LGUs).
“We want to ensure a safe Christmas experience for all children. Hence, the DSWD spokesperson pointed out the importance of parental or guardian supervision for children participating in caroling sessions to ensure they are safe from harm,” paliwanag pa ng DSWD spokesperson.
Para sa grupo onorganisasyon na nagsasagawa ng mga fundraising activities gaya ng pangangaroling, hinihikayat ni Assistant Secretary Dumlao na humingi ng solicitation permits mula sa DSWD kung ito ay region-wide o nationwide.
Kaugnay nito ayon kay Asst Sec Dumlao, ang permit ay maaring makuha sa concerned LGU para sa fundraising na ang ‘scope’ ay limitado sa barangay, city, o municipality.
Ang solicitation permit ay isang certification na ibinibigay ng DSWD at lokal na pamahalaan na nagbibigay permiso sa indibidwal, groups, at iba pang entities na humihingi ng donasyon o voluntary contributions. (Santi Celario)