Manila, Philippines- “Stop the CPP-NPA-NDF terror-grooming!”
Ang sigaw ng grupong Hands Off Our Children Movement na nagkakaisa para ilantad at kondenahin ang mga maka-komunistang samahan sa pagre-recruit nito ng mga Filipinong kabataan para hubugin bilang mandirigma ng New People’s Army.
Kanilang tinuligsa ang pamamaraan ng NPA gaya ng Paaralang Jose Maria Sison at mga iba pang pamamaraan o’ “educational” programs na itinuturo ang mga tinatawag na Espesyal na Kurso para sa Manggagawa (ESKUM Manggagawa) na idinaos noong November 12 sa Novaliches, Quezon City, para makarecruit ng kasapi ang naghihingalo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Ang mga programang ganito,na pinangungunahan ng Defend Jobs Philippines, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kabataan Partylist-NCR, League of Filipino Students-NCR, at Sining Bugkos, ang ginagamit para maka-recruit at nagsusulong ang kanilang agenda na labanan ang pamahalaan.
Ang mga labor union, gaya ng University Hotel Workers Union ng UP Diliman, ay isinama na rin gamit ang mga isyu sa manggagawa upang makabuo ng galut sa mga damdamin ng mga recruit ng CPP-NPA-NDF at magamit sila sa pagtatangkang mapataob ang ating pamahalaan.
Samantala, noong October 19 naganap din ang isang diskusyon sa agraryo sa may North Caloocan, bilang parte ng Paralaang JMS program, oara makarecruit ng kanilang miyembro.
“Families like ours stand as a stark testament to how so-called ‘legal organizations’ covertly recruit young people. We have learned the hard way how these seemingly benign “education discussions” or “EDs” served as gateway for children toward estrangement from their families. Our children’s aspirations for change were systematically exploited in order to channel their frustrations into unwarranted anger against our government. Over time, this manipulation isolated them from the people who truly care for them and led them to eventually join the armed struggle in the countryside,” ang pahayag ng Hands Off Our Children Movement.
Ang masaklap na kwento umano ng buhay ni Jo Lapira, na dating UP Manila student na napatay sa Batangas noong 2017, at ni Jevilyn Cullamat, na nawala na lamang sa Surigao del Sur noong 2020, ay isa lamang sa mga kabilang ng kabataang narecruit para maging NPA fighters.
Gaya na rin nila Louvaine Erika Espina, Arian Jane Ramos at Kate Raca, na sumuko na matapos ang ilan taon bilang NPA, ang mga nagpatotoo ng kanilang paghihirap habang sila ay hinuhubog bilang mandirigma ng NPA.
“We emphasize that programs like the Paaralang JMS are not about empowering sectors and communities but about making them become tools to a political agenda. The promoters of these activities disguise themselves as champions of education, labor rights, and agrarian reform, while their true goal is to draw people, especially the youth, into a dangerous path of violence and insurgency,” pahayag pa ng Hands Off Our Children Movement. RNT