Home NATIONWIDE DSWD nagbabala sa publiko sa online scammers na nangangako ng educ assistance...

DSWD nagbabala sa publiko sa online scammers na nangangako ng educ assistance sa TikTok

MANILA, Philippines- Upang hindi mabiktima ng mga manloloko ay nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na maging mapanuri at huwag maniwala sa mga nakikita sa TikTok at iba pang social media accounts na nangangako ng educational assistance mula sa DSWD.

“Once again, we advise the public not to engage with social media contents that are not issued from the official social media accounts of the DSWD. These pages and groups contain fake information that aims to mislead the public or, even worse, gather personal information which can be used by online scammers to perform theft,” ayon kay DSWD Asst. Secretary at Spokesperson Irene Dumlao.

Kaugnay nito, pinaliwanag ng tagapagsalita ng ahensya na kailangang dumaan sa interview at assessment ng social worker upang makakuha ng financial aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Samantala, ang AICS program ay isa sa mga serbisyo ng ahensya na nagbibigay ng cash assistance para sa pagkain, pamasahe, serbisyong medikal, pampalibing at iba pang pangunahing pangangailangan.

Para sa educational assistance, ang DSWD ay may Tara, Basa! Tutoring Program, isang reformatted educational assistance program ng ahensya na naglalayong turuan ang mga kabataang hirap o hindi marunong magbasa.

“We remind our citizens to always check your sources of information online and engage only with official government websites and social media pages with verification check marks,” sabi pa ni Asst. Secretary Dumlao.

Samantala, ang DSWD ay patuloy na magbibigay ng mga abiso sa pamamagitan ng official Facebook page, https://web.facebook.com/dswdserves laban sa mga fake information na inilalabas sa social media. Santi Celario