Home METRO Taytay Church pormal na idineklarang minor basilica

Taytay Church pormal na idineklarang minor basilica

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Diocese of Antipolo Bishop Ruperto Santos ang taimtim na deklarasyon ng Taytay Church sa Rizal bilang minor basilica nitong Martes, July 9.

Ang unang minor basilica sa Diyosesis ng Antipolo at sa Lalawigan ng Rizal at ang ika-23 sa bansa, ang sikat na pilgrimage site ay opisyal na ngayong kilala bilang Minor Basilica at Parish of Saint John the Baptist.

Sa kanyang welcome message, hinikayat ni Bishop Santos ang mananampalataya na sundin ang halimbawa ng pagpapakumbaba ni San Juan Bautista.

“We share our happiness and humbly offer it to all of you. Together, we receive God’s continuous blessings and extend to be a blessing to others. Unitedly, we express our gratitude to God for this amazing grace and proclaim His goodness, faithfulness, and love,” sabi ni Bishop Santos.

Bago ang solemn declaration ceremony, nagsagawa ng civic reception ang mga opisyal ng Taytay Municipal Government at Rizal Provincial Government para salubungin si Cardinal Advincula kasama sina Bishop Santos at basilica rector Fr. Pedrito Noel Rabonza III, Diocese of Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, maging si Antipolo Bishop Emeritus Francisco de Leon, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines vice president Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, iba pang lider ng Simbahan, miyembro ng clergy ng Antipolo diocese at iba pang diyosesis at kinatawan ng mga lay group.

Idineklara ni Pope Francis ang Taytay Church bilang minor basilica noong Enero 29 ngayong taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden