Home NATIONWIDE DSWD naghahanda na sa pagdating ng La Niña

DSWD naghahanda na sa pagdating ng La Niña

MANILA, Philippines- Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para saposibleng pagdating ng La Niña ngayong taon.

Layon nitong tiyakin na ang disaster preparedness and response strategies ay nakahanda na para mabawasan ang epekto ng La Niña.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group at spokesperson Irene Dumlao, sinimulan na ng departamento ang “Buong Bansa Handa Project” bilang “preemptive measure” laban sa La Niña.

Sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang La Niña ay maaaring ma-develop sa mga buwan ng June-July-August season, na may ‘above-normal rainfall’ sa pagtatapos ng taon.

Sa naging paliwanag ni Dumlao, ang Buong Bansa Handa project ay magtatatag ng dalawang parallel supply chain mechanisms para sa disaster preparedness and response, itataas ang kapasidad ng departamento para matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya sa disaster-stricken areas.

Ang unang mekanismo ay binubuo ng national at local government-driven supply chain na magpapalakas sa kapasidad ng produksyon at proseso ng National Resource Operations Center ng DSWD sa Pasay City, Visayas Disaster Resource Center sa Cebu, at warehouse at storage facilities sa pamamagitan ng 16 DSWD field offices.

Sa pangalawang mekanismo, bubuo ng partnership ang DSWD sa mga malaki at maliit na grocery stores, supermarkets, manufacturers, at distributors para mapakinabangan ang kanilang technical expertise at resources para magtayo ng private sector-driven supply chain.

Aniya pa, mino-monitor ng DSWD ang relief supplies para tiyakin na may sapat na family food packs at non-food items sa mga bodega.

“We have an inventory, of course, of all our warehouses—our last-mile facilities, our spokes, so we can ensure that all those facilities have sufficient family food packs and non-food items. Likewise, in our hubs, we are monitoring the procurement to ensure the availability of supplies so as not to hamper the production of our family food packs and non-food items,” paliwanag nito.

“As of April 29, 387,124 food packs have been prepositioned in the 10 DSWD hubs, while 602,113 boxes of food packs were sent to the 66 spokes and 545,526 food packs in the 849 last-mile facilities across the country,” ayon sa ulat.

“In our last-mile facilities, we monitor the delivery, as well as the withdrawal of our family food packs and non-food items, so that we don’t run out, and of course, when the rainy season comes, our supplies are sufficient and ready to be sent to affected local government units (LGUs),” wika pa ni Dumlao.

Samantala, mino-monitor din ng DSWD ang mga evacuation centers para siguraduhin na ang mga evacuee ay kagyat na matutulungan.

“We inspected the evacuation centers to ensure that they are safe for our affected fellow citizens and to coordinate with LGUs and, of course, with the Department of Education. One of the concerns of the DSWD is also to ensure that women and children affected by various disasters are safe,” wika ng opisyal.

Sa ulat, base sa datos ng DSWD, mayroong 18,069 evacuation centers sa buong bansa na maaaring makapagbigay ng pansamantalang panunuluyan para sa mga ‘internally displaced people.’ Kris Jose