MANILA, Philippines – Naghanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 3 milyong family food packs (FFPs) sa 938 warehouses sa buong bansa ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, ito ay ayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang Buong Bansa Handa (BBH) readiness program ng pamahalaan partikular sa mga lugar na madalas tinatamaan ng mga bagyo at pagbaha.
“The DSWD is implementing the BBH that is why we have 3 million FFPs stockpiled for prompt and efficient disaster response operations,” saad sa pahayag ni Gatchalian nitong Biyernes, Hunyo 7.
Ang BHH program ng ahensya ay isang whole-of-nation at whole-of-government approach na nagpapalakas sa government at private sector resources, upang mas makatugon ang pamahalaan nang mabilis at komprehensibo sa mga kalamidad, kasabay ng pag-iingat sa kaayusan ng mga apektadong pamilya.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasabay ng mga malalakas na pag-ulan na nararanasan sa bansa dahil sa low pressure area at southwest monsoon o habagat. RNT/JGC