Home NATIONWIDE DSWD nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang apektado ni Aghon

DSWD nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang apektado ni Aghon

MANILA, Philippines- Nagpaabot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1 milyong halaga ng tulong sa mga pamilyang apektado ng Tropical Storm Aghon sa Bicol Region.

“The DSWD is working tirelessly in coordination with local government units (LGUs) to ensure the timely distribution of relief goods and other essential services to the affected population,” ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Si Dumlao, DSWD Assistant Secretary for Disaster Response and Management Group (DRMG) rin, ay nagpahayag na ang mahigit sa P972,000 halaga ng tulong mula sa DSWD at mahigit sa P316,600 mula sa kinauukulang LGUs ay ipinamahagi sa mga apektadong pamilya sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at Sorsogon.

“The relief package includes food packs, hygiene kits, and other basic necessities to support the displaced families,” ani Dumlao.

Sinabi pa rin nito na masusing sinusubaybayan ng departamento ang mga lugar na apektado ni Aghon at regular na nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa agaran at tamang tulong.

Base sa pinakabagong DSWD-DRMG report, apektado ng tropical storm ang 6,542 pamilya o mahigit sa 8,200 katao mula 22 barangay sa mga rehiyon ng Bicol, Central Visayas, at Eastern Visayas.

“We have prepositioned more than 24,900 family food packs in the said regions which are available for distribution as the need arises,” ayon pa rin kay Dumlao.

Samantala, nakatakda namang magpadala ang DSWD National Resource and Logistics Management Bureau ng karagdagang kahon ng food packs sa Field Office 4-A (Calabarzon) para dagdagan ang stockpile para sa disaster response efforts.

Hiniling naman ng DSWD sa publiko na manatiling alerto at sundin ang ‘safety guidelines’ na ipinalabas ng mga lokal na awtoridad. Kris Jose