Home ENTERTAINMENT Troy, naniniwalang hindi maghihirap si Audrey!

Troy, naniniwalang hindi maghihirap si Audrey!

Manila, Philippines – Marami ang tiyak na umaray nang manalasa ang global crisis– ang paglaganap ng Covid-19.

Matatandaang 2020 nang umatake ito.

Hindi lang buhay ng tao ang naging kapalit nito.

Apektado ang negosyo at trabaho at maging ang ibang aspeto ng ating pamumuhay.

Kung meron mang hindi gaanong dumapa financially, si Aubrey Miles ‘yon.

At the height of the pandemic kasi, Aubrey had turned herself into an entrepreneurial plantita.

Pinagkakitaan niya kasi ang paghahalaman.

Sa katunayan, isa sa mga mamahalin at rare plants ay naibenta niya ng P1 million!

Matatagpuan lang daw ang “spiritus sancti” sa rain forest sa Brazil.

Nang inialok muna daw ito sa kanya ay inalagaan niya ito para lumaki at yumabong ang mga dahon.

Ang isa’y naibenta raw niya ng P300k at ‘yung isa namang may dalawang dahon pa lang, Aubrey was able to sell it at P200k.

Kung tutuusin, kahit tuluyan nang tumalikod si Aubrey sa showbiz, sa pagiging plantita ay mabubuhay na sila ng karelasyong si Troy Montero.

Aside from being a plantita, nagmamay-ari siya ng Aubrey Pawnshop.

Bilib na bilib nga sa kanya si Troy pagdating sa usapin ng pananalapi.

Ang tulad daw ni Aubrey ay tipo ng tao who will never go hungry kahit dumating pa ang pinakamatinding pandemya sa mundo.

Tarush! Ronnie Carrasco III