Home NATIONWIDE DSWD nanawagan ng mga volunteer sa produksyon ng family food packs

DSWD nanawagan ng mga volunteer sa produksyon ng family food packs

280
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga boluntaryo na tumulong sa produksyon ng mga family food packs (FFPs) sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC), na dating National Resource Operations Center (NROC), sa Pasay City para sa mga komunidad na nasalanta ng kalamidad.

“Malayo ang maitutulong ng tulong ng mga boluntaryo sa ating layunin na matiyak na may sapat na mga FFP na nakaimbak at maaaring agad na i-deploy para sa prepositioning bago ang bagyo. Sa kasalukuyan, nasa panahon tayo kung saan halos sabay-sabay na pumapasok ang mga bagyo sa ating bansa, kaya dapat lagi tayong maging handa,” sabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao ng DSWD’s Disaster Response Management Group (DRMG) nitong Miyerkules, Setyembre 24.

Ang DSWD ay patuloy na gumagawa ng mga FFP upang matiyak na sapat na mapagkukunan ang magagamit sa anumang oras alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palakasin ang paghahanda sa kalamidad at pamamahala sa pagtugon sa bansa.

Ayon sa DSWD ang mga benepisyaryo ng cash-for-work sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpahiram ng kanilang oras at pagtulong sa LDRC nitong Martes.

Sinabi ni Asst. Secretary Dumlao, na, “Nakiisa ang mga masisipag na DOLE-TUPAD beneficiaries, at iba pang walk-in volunteers para sa ating mga kababayan.”

Ang mga interesadong indibidwal at grupo ay maaaring makipag-ugnayan kay G. Byron Benson Barrinuevo sa numero ng Viber 0962-9849002 o sa pamamagitan ng email address na [email protected].

Ang LDRC ay matatagpuan sa kahabaan ng Chapel Road, Barangay 195 sa Pasay City, malapit sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

“Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa mga magboboluntaryo ng kanilang oras at kakayahan sa pagtulong sa pagsisikap naming na handa ang DSWD na tumugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng mga sakuna,” sabi ni Asst. Secretary Dumlao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here