Home NATIONWIDE Kalusugan ng 900 evacuees sa Central Luzon patuloy na minomonitor ng DOH

Kalusugan ng 900 evacuees sa Central Luzon patuloy na minomonitor ng DOH

250
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Department of Health (DOH) – Central Luzon Center for Health Development ng agarang medical response operations sa mga evacuation center sa buong rehiyon upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng Super Typhoon Nando.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, Setyembre 24, sinabi ng DOH na ang inisyatiba ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

Iniulat ng ahensya na may kabuuang 305 pamilya, o 915 indibidwal, ang kasalukuyang naninirahan sa mga evacuation center sa Central Luzon.

Kasama sa mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ang mga konsultasyon at regular na pagsubaybay, partikular para sa mga bata at senior citizen, gayundin ang pamamahagi ng mga libreng gamot sa mga evacuees.

Samantala, sinabi ng DOH-Cagayan Valley Medical Center na nananatili itong alerto at bukas sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga apektadong indibidwal sa rehiyon.

Muling pinagtibay ng DOH ang kanilang pangako sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga pamilyang lumikas.

Nagbabala rin ito laban sa mga panganib ng pagguho ng lupa at tubig-baha.

Pinayuhan din ang mga tao na lumikas sa mataas at ligats na lugar at huwag lumusong o lumangoy sa mga katubigan upang maiwasan ang pagkalunod at ang pagkakaroon ng leptospirosis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here