MANILA, Philippines – Bilang tugon sa apurahang kahilingan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng gabay ni Acting Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ay agad na naglabas ng travel advisory na humihimok sa lahat ng motorista na suspendihin ang non-essential land travel ng mga sasakyan sa Bicol region, Visayas at Mindanao.
Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang agarang pagtugon ng LTO ay alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa isang buong pamahalaan na diskarte para sa kaligtasan ng publiko lalo na sa panahon ng mga banta ng kalamidad.
Ayon kay Asec Mendoza ang travel advisory ay may kaugnayan din sa forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Bicol Region ay nasa daanan ng tropical cyclone na “Opong”.
Kaugnay nito batay sa kahilingan ng NDRRMC, sinabi nitong dapat saklawin ng travel advisory ang mga paglalakbay sa mga probinsya ng Masbate at Catanduanes, Visayas Region at Mindanao.
Agad na ipinatupad ang travel advisory, simula 12 a.m. ng Setyembre 24.
“Ito ay upang maiwasan ang pagbara sa mga mahahalagang kalsada at mga daanan na magiging mahalaga sa agarang paghahatid ng tulong sa mga lugar na malamang na maapektuhan ng tropikal na bagyo, gayundin upang matiyak ang kaligtasan at kagalingan ng mga motorista,” ang binasa ng kahilingan ng NDRRMC.
“This is also aimed at ensuring the safety of our kababayan. Mahirap na malagay pa sila sa alanganin,” sabi ni Asec Mendoza. Santi Celario