Home NATIONWIDE DTI maghihigpit sa vape products

DTI maghihigpit sa vape products

169
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mas mahigpit na regulasyon para sa vaporized nicotine at non-nicotine products (VNNDPs) at heated tobaccxo products (HTPs) sa bansa.

Sinabi ng DTI na ang hakbang na ito ay nagmula sa mga pagbabago sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 na kilala rin bilang “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act”.

Ayon sa DTI, layon ng updated regulations na palakasin ang consumer protection sa pagtiyak na lahat ng vape at HTP products sa merkado ay nakatutugon sa mahigpit na pamantayan sa kaligtasan.

Ipinaliwanag ng DTI na ang OSMV ang mangunguna sa isang pagsusuri upang i-streamline ang mga teknikal na regulasyon para sa mandatory product certification.

Sa kasalukuyan, 10 Philippine Standard (PS) Licenses lamang ang naibigay para sa mga produktong ito, kung saan tatlo ang nasuspinde dahil sa hindi pagsunod.

Sinabi ng DTI na kanilang uunahin ang kaligtasan ng mga mamimili at pagpapanatili ng industriya kaya hinihimok ng OSMV ang mga negosyo na tiyaking ganap na sumsuunod ang kanilang mga produkto sa lahat ng mga regulasyon.

Ang mga produkto na hindi sumusunod ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng publiko at humahadlang sa pangmatagalang pag-unlad ng industriya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here