Home NATIONWIDE Kasabwat ni Quiboloy sa US cases iimbitahan sa Senate probe

Kasabwat ni Quiboloy sa US cases iimbitahan sa Senate probe

201
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang iimbitahan ng Senado ang kasabwat ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa susunod na pagdinig ang kasabwat nitosa human trafficking case sa United States.

Reaksyon ito ni Senador Risa Hontiveros matapos umamin si Marissa Duenas, isa sa matagal nang pinagkakatiwalaang administrador ng KOJC, na pumayag sa plea deal sa US Attorney’s Office para sa Central District of California.

“As chair of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, I also hope that Ms. Duenas – given her position in KOJC- would be open to participating in our continuing investigation on the various allegations of abuses and criminal acts by Quiboloy,” ayon kay Hontiveros nitong Huwebes.

“Sa loob at labas ng bansa, palapit na nang palapit ang araw ng pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng krimen ni Apollo Quiboloy,” dagdag ng senadora.

Sinabi ni Hontiveros na malaking tulong ang ginawa ni Duenas upang papanagutin si Quiboloy hinggil sa lahat ng kasong sexual abuse at qualified human trafficking.

Kaya’t hinikayat niya ang iba pang akusado na makipagtulungan sa awtoridad at ilantad ang katotohanan upang makamit ang hustisya ng mga biktima.

“Sana ay pakinggan nila ang kanilang konsensya, at isiwalat na ang buong katotohanan at ang lahat ng kanilang nalalaman,” ayon kay Hontiveros.

Hiniling din niya sa Department of Justice na bigyan ng legal assistance aang sinumang gustong makipagtulungan sa paghahanap ng katarun gan para sa mga biktima. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here