Home NATIONWIDE DTI, nagkaloob ng Philippine Standard licenses sa heated tobacco manufacturer

DTI, nagkaloob ng Philippine Standard licenses sa heated tobacco manufacturer

ALINSUNOD sa regulasyon na nag-aatas ng mandatory product certification sa lahat ng heated tobacco at vape products na nabibili sa bansa, nagpalabas ang Bureau of Philippine Standards ng Department of Trade and Industry ng unang batch ng Philippine Standard licenses para sa aprubadong vaporized nicotine at non-nicotine product manufacturers.

“On or after 5 June 2024, no vape products should enter the country, especially if they do not bear product standard marks/license or ICC marks,” ayon kay DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Amanda Nograles.

Ang mga lisensya ay iginawad matapos ang napakahigpit na proseso ng pagsusuri sa ilalim ng technical regulations na nagbibigay mandato sa product certification para sa heated tobacco products at vape products na nakasaad sa Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine at Non-Nicotine Products Regulation Act.

Ayon sa DTI-BPS website, nagtatala ng BPS Certified Products, ang lisensya ay ipinagkaloob sa Venture Technocom System Sdn. Bhd., ang manufacturer ng IQOS ILUMA heated tobacco device; at sa Shenzhen Adwell Technology Co. Ltd. PS licenses na magiging balido para sa tatlong taon at dapat na i-renew anim na buwan bago pa ang expiration o pagkapasó nito.

Ang mga manufacturer ay sertipikado alinsunod sa DTI DAO 22-06, Series of 2022 (New Technical Regulation Concerning the Mandatory Product Certification of Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products) at DTI DAO 22-16, Series of 2022 (Implementing Rules and Regulations of RA 11900).

Ang Venture Technocom System Sdn. Bhd. at Shenzhen Adwell Technology Co. Ltd. ay mga tanging pabrika na nakakuha ng PS mark license para sa anomang produkto sa ilalim ng vape law.

Ang PMFTC Inc. at Royal Connections Inc. ang mga nakalista bilang ‘authorized importers’ ng IQOS ILUMA device.

Ang retailers ng vape, heated tobacco at iba pang novel tobacco products na mayroong inventory, ay binigyan ng anim na buwan para i-dispose ang kanilang stock.

“But this January 2025, the DTI will do a market-clearing of vape products that do not have PS or ICC marks. Sellers are given at least half a year to dispose of their old stocks,” ayon kay Nograles.

Sa isinagawang public orientation noong October 2022, sinabi ng BPS na ang sertipikasyon ang magbibigay katiyakan na ang whole products, kabilang na ang “device at sistema” ay susuriing mabuti sa pamamagitan ng product standards requirement upang masiguro ang kalidad ng nasabing produkto at mapigilan ang illicit trade.

Sa kabilang dako, inanunsyo naman ng DTI na ang lahat ng HTP at vape products ay isasailalim sa mandatory certification simula Hunyo 5, araw ng Miyerkules ng taong kasalukuyan.

Maaari namang ipagpatuloy ng mga distributor at retailer na mag-alok para sa pagbebenta ng vaporized nicotine at non-nicotine products na hindi pa sertipikado ng BPS hanggang Enero 5, 2025. Matapos ang panahon na ito, tanging ang vaporized nicotine at non-nicotine products na mayroong balidong PS mark o ICC stickers ang pinapayagan na ibenta. Ang pagkabigo na makakuha ng lisensya matapos ang deadline ang magbibigay pahintulot sa DTI na magpalabas ng ” immediate recall o agarang pagpapabalik, ban o pagbabawas at pagkumpiska mula sa pampublikong pagbebenta ng distribusyon.

Ang DTI, sa pagsangguni sa Food and Drug Administration, ay inatasan na “set technical standards for safety, consistency, and quality” ng mga produkto.

Sa ilalim ng Seksyon 18 at 19 ng Vape law, “all manufacturers and importers of HTP consumables, HTP devices, vapor product refills, vapor product devices and novel tobacco products are required to register with the DTI before they can sell these products to the public.”

Bilang ang lisensiya ay importer-specific at factory-specific, local at foreign manufacturers na nagbebenta at nagdi-distribute ng mga produkto sa ilalim ng vape law gaya ng e-cigarettes, vapes, HTPs at nicotine pouches ay may mandato na magpartisipa sa PS Safety and Quality Certification Scheme. KRIS JOSE