Home NATIONWIDE Pagkupkop ng Pilipinas sa mga Afghan national, masusing pinag-aaralan ng DOJ

Pagkupkop ng Pilipinas sa mga Afghan national, masusing pinag-aaralan ng DOJ

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan pa ng Philippine government ang kahilingan ng Estados Unidos na kupkupin muna ang mga Afghan national habang pinoproseso pa ang kanilang US visa.

Sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na bukas sila sa ideya na manatili pansamantala sa Pilipinas ang mga Afghan national kung kaya patuloy ang diskusyon nila sa US Embassy.

Pangunahin na inaalala aniya ng Pilipinas ay ang isyu ng national security.

Ang hiling na kupkupin ang mga Afghan nationals ay tinalakay ni US President Joe Biden kay Pangulong Ferdinand Marcos nang magtungo ang huli sa Washington noong Mayo 2023.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, natangap nila ang concept note mula sa US noong October 2022 na humihiling na payagan ang mga Afghan na empleyado ng US government maging ang kanilang qualified dependents na pansamantalang manirahan sa Pilipinas para maproseso sa US Embassy ang kanilang aplikasyon para sa Special Immigrant Visa.

Gayunman, tutol si Senador Imee Marcos sa naturang ideya at ipinagtataka kung bakit kailangan kanlungin ng ibang bansa ang mga Afghans at hindi mismo ang US.

Una nang sinabi ng DOJ na bumabalangkas na ito ng legal opinion hinggil sa usapin. Teresa Tavares