Home ENTERTAINMENT RS, itinanggi ang pagtakbo ni Greta sa pulitika!

RS, itinanggi ang pagtakbo ni Greta sa pulitika!

Manila, Philippines- Sa isang panayam sa aktor, direktor at negosyanteng si RS Francisco, sinabi niya na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na tatakbong kongresista ang best friend niya na si Gretchen Barretto.

“Wala pa akong naririnig from her! Pero I doubt!” sabi ni RS.

Anyway, si Gretchen ang nagsabi kay RS na mag-retire na sa paggawa ng pelikula o teleserye.

“Noon kasi, kahit ano gagawin ko. Kahit maglakad lang sa harap ng kamera, okey ako.

“Ngayon, marami ang nag-o-offer sa akin na umarte ako, pero napapa-no na ako. Unlike nga before na kahit anong role ibigay sa akin, gagawin ko talaga. Sobrang hungry ako noon.

I don’t know.

“Siguro kakakausap ko kay Gretchen, kakasabi niya sa akin na, ‘Mag-retire ka na’, ganun siya nang ganun. Na siya nga raw nag-retire na.

“So, parang ganun, na siya ang nagsabi sa akin na mag-retire na. She would tell me, noong 2017, na ‘Bakit ka pa gagawa ng movie, hindi mo naman kailangan `yan? Pahinga ka na lang, RS.’ Ganun siya nang ganun sa akin.

“Sinasabi ko sa kanya noon na, ‘Gretchen masarap umarte’.

“Pero noong pandemic, bigla akong nag-iba. Nag-change ang priorities ko, ang values ko. All of a sudden, tumatanggi na ako sa mga offer. Like may isang movie ako with Kim Chiu, na akala ko 1 shooting day lang ako, pero 12 days pa pala ako. Nagsabi ako politely na hindi ko na magagawa, na okey na `yung 1 shooting lang ako. Nagulat ako sa sarili ko.

“So ngayon, nag-focus na lang ako sa negosyo, sa mga clubs like Rampa, Karma, then, ‘yung t-shirt line ko, at sa Front Row siyempre,” aniya pa. Rommel Placente