Home NATIONWIDE Dumanjug mayor iniimbestigahan ng CHR sa pagsampal, panununtok sa cyberporn suspect

Dumanjug mayor iniimbestigahan ng CHR sa pagsampal, panununtok sa cyberporn suspect

263
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights ang video na nagpapakita umano ng pagsampal at pagpapahiya sa publiko ni Dumanjug, Cebu Mayor Gungun Gica sa dalawang indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa cyberpornography.

Sa kanyang official social media page, inilathala ni Gica ang video kung saan iniinterview niya ang dalawang suspek na isang babae at isang lalaki, kaugnay sa naturang krimen.

Isinalaysay ng dalawa kung paano nila kinukunan ng malalaswang video ang dalawang bata, edad isa at 11.

Inamin din nilang ipinapadala nila ang mga video sa isang kliyenteng foreigner kapalit ng P10,000 hanggang P20,000.

Dito na sinuntok ni Gica ang lalaking suspek. Bago matapos ang usapan, sinampal pa ito ng alkalde.

“Pagtarong ba!,” ani Gica sa video.

Inaresto na ng pulisya ang mga suspek matapos ihain ang reklamo laban sa kanila sa municipal social welfare and development office.

Sa hiwalay na post, sinabi ng alkalde na hindi siya natatakot sa kanyang ginawa.

“My administration will not tolerate child abuse, rape, child pornography, or drug pushing,” aniya.

Sa kabila nito, sinabi ni CHR-Central Visayas Director Arvin Udron na iimbestigahan pa rin ng komisyon ang insidente.

“We will look into it and should there be proof that there was a violation on the part of the mayor as a state actor, we will look into this by sending a team of investigators,” ani Udron.

“If the allegation is true, that will fall under the jurisdiction of human rights, involving a government personality, government official, or state actor,” dagdag pa.

Tinanggap naman ni Gica ang imbestigasyon.

Samantala, naghahanda na ng reklamong online sexual abuse laban sa dalawang suspek ang Cebu Police Office.

“They are already in our custody,” pahayag ni Cebu police chief Col. Christopher Bermudez.

Nasa kustodiya na ng social welfare and development office ang mga batang biktima na sasailalim sa debriefing at psychosocial intervention. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here