MANILA — Tulad ni dating Department of Budget and Management Undersecretary Lloyd Christopher Lao, nagpiyansa rin ang dating health chief ng bansa para sa mga kasong paglabag sa anti-graft law.
Sa isang ulat, sinabi ni dating Health Secretary Francisco Duque III na nagpiyansa siya noong Setyembre 4 “kaagad pagkatapos malaman ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan.”
“I will pursuing remedies available to me to question the resolution of the Ombudsman, not only in the Sanganbayan, but also with the Supreme Court,” dagdag pa ni Duque.
Sina Duque at Lao ay inimbestigahan dahil sa umano’y iregularidad kasunod ng paglilipat ng DOH ng P41 bilyon sa Procurement Services ng DBM para makabili ng lubhang kailangan ng COVID-19 na mga supply sa panahon ng pagsisimula ng COVID-19 pandemic.
Nilinaw din noon ni Duque na kailangan ang pagkuha ng mga serbisyo ng PS-DBM sa pagbili ng mga medical supply tulad ng face shield at face mask dahil nahaharap ang bansa sa isang health emergency. RNT