Home ENTERTAINMENT Dustin, namili kina Ivana at Bianca!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dustin, namili kina Ivana at Bianca!January 8, 2026 12:122940 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang pinaka-close sa kanya nu’ng naging housemate siya sa Bahay Ni Kuya.Ang sagot niya: “Ang pinaka-close ko, si Bianca (de Vera) talaga.“Siya ‘yung talagang tunay kong naging kaibigan.“Siya ‘yung lagi kong kasama sa Bahay Ni Kuya kaya lagi kaming nino-nominate,” natatawang sabi pa ni Dustin.Maraming nagsasabi na may something na talaga kina Dustin at Bianca.Katibayan na nga ‘yung ipakilala nila ang isa’t-isa sa kani-kanilang pamilya.Ano na nga ba talaga ang status ng relasyon nila ni Bianca?“Friends,” sagot ni Dustin.Sundot na tanong sa binata: anong level na ng friendship meron sila ni Bianca?Ang sabi niya: “‘Yung pinakamataas na level.”Dugtong pa niya: “Happy ako ‘pag kasama ko siya.”Aminado si Dustin na crush niya noon pa si Ivana.Pero kung papipiliin siya between Bianca and Ivana, mas pipiliin niya ang huli.Crush niya lang kasi si Ivana, pero mas attracted daw siya kay Bianca.“Nakaka-attract naman kasi talaga si Bianca,” lahad pa niya.Siguradong magbubunyi sa galak ang mga faney nina Dustin at Bianca dahil sa sinabi niyang ito. Rommel Placente