Home NATIONWIDE Duterte allies sa Kamara ‘di invited sa impeachment caucus – Cardema

Duterte allies sa Kamara ‘di invited sa impeachment caucus – Cardema

MANILA, Philippines — Inihayag ni Duterte Youth Party-list chairman Ronald Cardema nitong Huwebes, Pebrero 6, na hindi inimbitahan ang mga Duterte allies sa Kamara sa caucus na ginanap para pag-usapan ang impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte.

Ayon kay Cardema, nang malaman niya ang tungkol sa pagtitipon sa Romualdez Hall noong Miyerkules ng hapon, tinanong niya ang kanilang party-list representative, si Drixie Mae Cardema, kung nakatanggap siya ng abiso.

Kinumpirma nitong wala siyang natanggap. “I asked her if there’s a notice of meeting yesterday. Wala naman daw,” sabi ni Cardema sa isang panayam sa ANC.

Tinanong pa niya, “Saan nagpupunta itong mga kongresistang ito? Minomonitor namin, wala talagang patawag sa katulad namin, katulad nila na Duterte allies.”

Ang partido ni Cardema ay kaalyado ng administrasyon noon hanggang sa pagkakabasag ng UniTeam nina Pangulong Marcos at Duterte.

Dagdag pa ni Cardema, inakusahan niya ang mga mambabatas ng “pangako” na mga milyones o daan-daang milyong pondo bago lumagda sa impeachment complaint, ngunit wala siyang pruweba na nagsusuporta sa pahayag na ito.

“What I just heard is that there will be funds for later release,” ani Cardema, at pinuna ang mga mambabatas na abala sa “mga pondo at pera.”

Ipinahayag ni Cardema ang kanyang pagkadismaya sa proseso ng impeachment, na walang sapat na due process.

“Kaya nyo pong i-impeach, walang narinig na kaso, yung Bise Presidente na pinagkatiwalaan ng taumbayan,” aniya. RNT