MANILA, Philippines – Para kay Senador Risa Hontiveros, hindi nakakagulat o nakakasopresa ang pagdamay ni dating Health Secretary Francisco Duque III kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa maanomalyang paglilipat ng P47.6 bilyong COVID-19 funds mula DOH tungo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na malinaw naman sa lahat ng pangyayari na si Duterte ang nag-utos kay Duque na ilipat ang naturang pondo kaya’t hindi nakakapagtaka ang testimonya nito.
“Hindi ako nagugulat sa pagbubulgar ni dating Secretary Duque,” ayon kay Hontiveros.
Ayon kay Hontiveros, dapat isama si Duterte sa isinasagawang imbestigasyon dahil napatunayan na ang dating chief executive ang nagpakilala sa opisyal ng Pharmally sa pamumuno ni Michael Yan na ginawang special adviser.
“Since Duque made this statement under oath, former President Duterte should be included in the investigation, especially since it can be proven that he was introduced to Pharmally officials by Michael Yang, his special adviser, in 2017,” ayon kay Hontiveros.
Sinabi pa ng senadora na dapat maipaliwanag ni Duterte ang patakaran na ipinaiira sa panahon ng pandemayan kung bakit inutusan nito si Duque na ilipat ang pondo mula sa DOH tungo sa PS-DBM.
“Duterte should, at the very least, explain the policy considerations that resulted in his directive to Sec. Duque,” aniya.
“As the Ombudsman continues its Pharmally probe, I trust that it will take this revelation into account,” giit pa ni Hontiveros.
Aniya, “pasasaan ba at gugulong din ang hustisya at mapapanagot lahat ng lumustay sa pera ng bayan lalo na sa panahon ng pandemya.” Ernie Reyes