Home NATIONWIDE Duterte rally sa Tacloban ‘di natuloy sa scheduling conflict – solon

Duterte rally sa Tacloban ‘di natuloy sa scheduling conflict – solon

MANILA, Philippines – Bukod sa masamang panahon, hindi natuloy ang planong prayer rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Tacloban dahil sa iba pang dahilan, ayon kay TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre nitong Miyerkules, Mayo 29.

Si Duterte ay nakatakdang magdaos ng rally sa Tacloban ngunit nakansela dahil sa bagyong Aghon. Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na mayroong heavy equipment na nakapwesto sa venue na bahagi ng Marcos administration’s policy of stifling peaceful dissent.”

Samantala, ayon kay Acidre, mayroon lamang na conflict sa pagpapaiskedyul sa venue na Remedios Trinidad Romualdez Plaza.

“Unfortunately, as early as May 10, mayroon na pong naka-book na schedule, mayroon na pong event. Ito nga yung roadshow na nagbebenta ng heavy equipment,” ani Acidre kasabay ng Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.

Ipinaliwanag ni Acidre na matapos siyasatin ang schedule ay napag-alaman na nagpa-iskedyul lamang ang partido ni Duterte noong Mayo 24. RNT/JGC