Home ENTERTAINMENT BINI, pinagtawanan ang ‘mangkukulam’ isyu!

BINI, pinagtawanan ang ‘mangkukulam’ isyu!

Manila, Philippines – Ang energetic na kanta tungkol sa first love ng trending girl group na BINI ay patok sa marami lalo na sa mga teenager na nakaka-relate dito.

Pero ang ‘Salamin, Salamin,’ ayon sa isang religious Facebook page, ay kinumpara ang kanta sa spell ng isang mangkukulam.

Sa umpisa pa lang ng post ay direkta na ang pag-atake ng Follow Jesus Ministry sa kanta. “Witchcraft song na sinayaw sa church, wala ba talagang mali?”

May naka-attach sa post na image ng lyrics ng kanta ng BINI na naka-underline at katabi nito ay ang screenshot ng libro ni Vivi James na, “Mirror Magic (Scrying, Spells, Curses, and Other Witch Crafts).”

Kahapon lang ay nakunan ng reaksyon ang Bini nang i-launch sila as endorsers ng isang online shopping app.

Natawa lang daw si Colet ng BINI sa mga kwentong kutsero na ipinanganak dahil sa simpleng kanta. Sey naman ng kagrupo niyang si Maloi ay fake news ito at iginiit na maganda lang talaga yung kanta kaya maraming na-eengganyo rito.

As of writing ay 6.5k reacts na ang post at 2.3k ang shares. 5.7k sa reacts na ito ay “haha” o pinagtatawanan ang post. Mahigit sa 380k ang followers ng page. Trixie Dauz