Home NATIONWIDE Bagyong Aghon lumabas na ng PAR

Bagyong Aghon lumabas na ng PAR

MANILA, Philippines – Opisyal nang lumabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Aghon, ayon sa PAGASA nitong Miyerkules, Mayo 29.

Sa ulat, lumabas ng PAR ang bagyo bandang alas-12 ng tanghali.

Sa 11 a.m. typhoon bulletin, sinabi ng PAGASA na ang bagyo ay kumikilos sa bilis na 35 kilometro kada oras sa 1,060 kilometro silangan, hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

Bahagyang naapektuhan naman ng bagyong Aghon ang Southwesterly Windflow at magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa western portion ng Northern Luzon, Central Luzon at MIMAROPA hanggang Huwebes. RNT/JGC