Home ENTERTAINMENT Awra, may delayed apology; Netizens, nang-okray!

Awra, may delayed apology; Netizens, nang-okray!

Manila, Philippines – Nagbigay ng mahabang mensahe si Awra Briguela sa kanyang IG post tungkol sa kontrobersyal na Poblacion incident last year kung saan nasangkot siya sa gulo sa isang pub sa Makati.

Matatandaang inaresto ang nasabing komedyante at kinasuhan ng physical Injuries, alarm, scandal, disobedience to person in authority, at direct assault.

Halos mag-iisang taon na pagkatapos ng bar brawl, saka naman siya nag-public apology.

Ito ang teksto ng kanyang mensahe.

“An open letter to the people I’ve disappointed, to the people who were involved, to the ones who believed in me, and especially to my family,” panimula niya.

“Gusto ko simulan sa paghingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema. Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten (sa) isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at magpakasaya nang panandalian imbis na ayusin natin ang problema,” aniya.

Sinabi pa niya na sobra raw apektado ng nabanggit na pangyayari ang kanyang pamilya. Kaya naman nangangako raw siya na ituwid na ang lahat.

“Patawad kung nagbago ako at nag-iba ang ugali ko. Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin kong magbago at susubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay.

“Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay nawa’y sana wag kayong mapagod na bigyan ako ng pagkakataong magbago at bumawi sa lahat ng pagkakamali ko at ang pagkakataon na ‘to ay hinding hindi ko na sasayangin,” saad niya.

Humingi rin siya ng dispensa sa mga taong nasangkot sa Poblacion fiasco at inako ang kanyang responsibilidad.

“The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility. I will take all of these as lesson that I will carry for the rest of my life,” pagtatapos niya.

Lumabas ang paghingi ng apology ni Awra pagkatapos niyang mai-feature sa vlog ng kanyang manager na si Vice Ganda sa latest episode nito.

Sa naturang vlog, pinayuhan din siya ni Vice na mag-move on na at sinabing maging siya man ay naging biktima rin ng panghuhusga dahil nakatatak na sa pagkatao niya ang ginawa niyang rape joke kay Jessica Soho na habang buhay niyang dadalhin.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng netizens.

Sey ng iba, panis na raw ang apology ni Awra lalo pa’t mag-iisang taon na nang nangyari ang iskandalo.

“Nag-belated apology kasi ang mga prominent defenders niya noong fresh pa ang scandal, tahimik na ngayong alam na ang full story.”

“It sucks when people like Awra play victim because these paawa individuals are some of the reason why nobody believes the real victims when they speak up.”

“I don’t buy this apology. Oo nagkamali ka pero, sana di ba. Last year mo pa ‘to ginawa hindi yung ang dami mong ka-collab na maski comment section nila. Hinihintay apology mo.”

“Napilitan lang yan dahil na-pressure.”

“If she’s really serious, she should compensate the boys involved for the damages in their reputation and clear their names. Kasi sira na reputasyon ng mga yun.”

“Tsaka sana, mag-public apology din yung mga nag-i STanD for AwrA”

“Releasing a public apology after appearing on Vice’s YT channel about making mistakes? Hirap naman sabihin na hindi siya sincere outright pero yang mga ganyang galawan eh nakakabawas sa pagiging genuine nung supposed apology.”

“Awra anong petsa na ngayon ka lang nag-conpose ng letter.” Archie Liao