Home NATIONWIDE Duterte Youth Partylist, malabong makaupo sa Kongreso – Comelec

Duterte Youth Partylist, malabong makaupo sa Kongreso – Comelec

253
0

Manila, Philippines — Malabong makaupo ang Duterte Youth Partylist sa 20th Congress matapos kanselahin ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang registration.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, inihain na ng grupo ang motion for reconsideration na inaasahang tatalakayin sa en banc ng komisyon bukas, Hunyo 25. Gayunman, nilinaw niyang hindi maaaring madaliin ang proseso ng pagrebisa sa desisyon ng Second Division, kaya’t maliit ang posibilidad na magkaroon ng pinal na desisyon bago ang Hunyo 30.

Ipinaliwanag din ni Garcia na may karapatan ang apektadong kampo na umapela sa Korte Suprema kung sakaling hindi pabor sa kanila ang magiging desisyon ng Comelec en banc.

Dagdag pa ng opisyal, nananatiling epektibo ang naunang utos ng Comelec na suspendihin ang proklamasyon ng Duterte Youth habang dinidinig pa ang mga kasong kinahaharap ng grupo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here