Home ENTERTAINMENT E.A.T., may resbak sa GMA!

E.A.T., may resbak sa GMA!

Manila, Philippines – This early ay tinitiyak na ng maraming manonood na magiging malaking hit sa masa ang mga bagong segments ng E.A.T.

Hindi na raw baleng hindi mabitbit ng TVJ ang mga datihang segments ng Eat Bulaga which its producer Tape, Inc. claims as theirs ay may mga bagong aabangan at tiyak na tatangkilikin sa TVJ show sa TV5.

Isa roon ay ang Daig Ka Ng Apo Ko.

Obyus na inilapit ang pangalan nito sa pamagat ng fantasy series ng GMA, ang Daig Kayo Ng Lola Ko.

Self-explanatory na kumbaga ang mechanics ng segment na ito.

Pagkakataon na ‘yon ng mga lolo’t lola na ibida’t ipagmalaki ang kanilang mga apo.

Yes, eto ang mga lolo’t lola na mula nang isilang ang Eat Bulaga noong 1979 ay hindi bumitaw sa programa.

At dahil sa kids nakasentro ang segment, hindi malayong maging kasing-successful ang Daig Kayo Ng Apo Ko ng Little Miss Philippines at iba pang kiddie segments which brought fame to the original EB.

Also, speaking of another segment na obyus na nagpapaalala ng inalisang istasyon ay ang Vortas V.

Obyus na sinadyang ilapit ito sa pandinig ng Voltes V na napapanood sa GMA.

Ayon nga sa kolum ni Butch Francisco sa Pika Pika, E.A.T. is making money off a GMA property.

Tinawag ni Butch ito bilang “smartest revenge” ng buong Dabarkads laban sa istasyon, their home for 28 years, bago nagkagulu-gulo.

Matatandaang hindi itinago nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang kanilang sama ng loob sa GMA sa naging isyu nila sa mga Jalosjos ng Tape, Inc.

Nilinaw naman ni Atty. Anette Gozon-Valdes na hindi “corporate” in nature ang isyu sa pagitan ng TVJ at ng Jalosjos-owned company.

Sa ngayon, tanging si Bossing Vic lang ang may lingguhang sitcom sa GMA, ang Open 24/7 na isang blocktimer. Ronnie Carrasco III