Home METRO E-bike driver todas sa bundol ng trak

E-bike driver todas sa bundol ng trak

SAN JUAN, Ilocos Sur- Patay ang 58-anyos na e-bike driver sa aksidente sa isang national highway sa Barangay Labnig sa lugar na ito nitong Miyerkules.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Antonio D. Valle, residente ng Barangay Labnig.

Tumatawid ang biktima sa kalsada sakay ng kanyang e-bike nang aksidente siyang mabundol ng Isuzu Elf truck na pagmamay-ari ng RQC Bantay na minamaneho ni Jake U. Ugale, 37, residente ng Barangay Manzante, Magsingal, sa lalawigang ito.

Dinala si Valle sa ospital subalit idineklarang patay.

Hindi nasaktan si Ugale sa insidente at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis. RNT/SA