Home NATIONWIDE NFA palalakasin; Rice Fund sa RTL rerebisahin sa Senado

NFA palalakasin; Rice Fund sa RTL rerebisahin sa Senado

95
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang rebisahin ni Senador Robin Padilla ang karta ng National Food Authority (NFA) at Rice Fund sa Rice Tariffication Law upang palakasin ang programa ng pamahalaan sa food security.

Sinabi ni Padilla na ang pagpapalakas sa kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) upang pangasiwaan ang suplay ng bigas, at pagpapaunlad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang susi sa pagpapatatag ng presyo at suplay ng bigas, at gawing mas abot-kaya ang presyo ng bigas.

Aniya, ito ang layunin ng Senate Bill 2672 na kanyang inihain na nagmumungkahi rin ng Rice Industry Development-Program Management Office (RID-PMO) para sa “holistic approach” ng mga ahensya at taong may kinalaman sa suplay ng bigas.

Pangunahing awtor ng batas si Senador Cynthia Villar na ipinaglaban ito sa nakaraang administrasyon.

“The present amendatory bill seeks to restore the NFA’s role in managing the country’s supply chain. With the renewed and strengthened mandate of NFA in the amendatory bill, the stabilization of the price of rice will be guaranteed and supply functions will be regulated. Ultimately, access to cheaper rice will be more feasible for poor Filipinos,” ani Padilla sa kanyang panukalang batas na nagmungkahi ng pagbabago sa Rice Tariffication Law (RA 11203).

Mungkahi rin ni Padilla na palakasin ang RCEF at i-extend ang validity nito ng anim na taon, para pagandahin ang competitiveness at kita ng mga magsasaka.

Sa panukalang batas, mungkahi ni Padilla na ang NFA ay bigyan ng kapangyarihan na tiyaking masunod ang regulasyon, gamit ang “expertise and nationwide network” nito para panindigan ang “national interest in rice buffer stocking and food security.”

Ilan sa kapangyarihan ng NFA ay:

  • Pag-require ng registration ng grains warehouses at paggawa ng national database

  • Pag-inspect sa warehouses mga bodega para tiyakin ang pagsunod sa mga

  • Pangongolekta at pag-analyze ng datos sa rice trade activities para gumawa ng wastong polisiya.

Maaaring magdeklara ang kalihim ng agrikultura ng emergency sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council o Local Price Coordinating Council, sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Pagkukulang sa suplay ng bigas;

  • Patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas;

  • Pambihirang pagtaas sa presyo ng bigas

Maaaring gamitin ng NFA ang inventory para sa mga lugar na may “extraordinary price increases or acute shortages.”

Ang Bureau of Plant Industry naman ay maaaring maningil ng bayad para sa “low” at “non-utilization” ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) para tiyakin ang napapanahong pagdating ng imported na bigas.

Maaaring inspeksyunin ng BPI ang bodega kung saan nakaimbak ang milled rice. Tutulungan ng DA Inspectorate and Enforcement ang BPI sa “regular and unscheduled inspections.”

Ang NFA naman ay maaaring bumili ng local milled rice – o bumili ng porsyento ng bigas na pinasok ng accredited importers.

Bilang “final recourse,” maaaring mag-direct import ang NFA basta may “explicit authorization” mula sa Pangulo. Ito ay “solely in circumstances where domestic supply deficits necessitate such imports to stabilize the national rice supply and maintain optimal buffer stock.”

Ang RCEF naman ay ie-extend ng anim na taon, at may annual appropriation na P15 bilyon.

Makakasama sa mechanization component ng RCEF ang pagtatayo at pagpapaganda ng postharvest at processing facilities, kasama ang mga bodega, grain storage facilities, at drying facilities.

Gagawing revolving fund ang credit assistance component ng RCEF para tiyaking may pondo para sa utang sa “eligible beneficiaries.”

Ang Crop Diversification Program naman ay maaaring gumamit ng bahagi ng sobrang tariff revenues para sa rice-based crop diversification trainings, postharvest machineries and facilities, seeds and fertilizers assistance program, solar power irrigation, at small water impounding system. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here