Home NATIONWIDE E-registration, ipatutupad sa susunod na halalan -COMELEC

E-registration, ipatutupad sa susunod na halalan -COMELEC

289
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Commission on Elections (COMELEC) ng online registration para sa susunod na halalan para makaiwas na rin sa dagsa ng mga magpaparehistro.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, electronic registration ang paraan ng komisyon para makapagparehistro online ang mga botante kung walang maipapasang batas para rito.

Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng insidente kung saan may nahimatay o nabilad sa init ng araw dahil sa haba at dami ng mga voter registrants.

Pero paglilinaw ni Garcia, kinakailangan pa ring magtungo sa local offices ang mga nagparehitro online upang makuhanan ng litrato at biometrics.

“Tapos pag nagpa-online ka automatically yung mismong system magbibigay sayo ng date kung kailan ka pupunta sa local comelec ibig sabihin hindi muna kailangan pa pumila pa para maisubmit yung form para hindi napo napupuno registration site natin na nakapila para magsubmit ng papel.” ani Garcia.

Target ng Comele na ipatupad ang online voter registration sa Oktubre para sa BSKE sa 2026 kung magiging batas ito at sa presidential election sa 2028. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here