MANILA, Philippines- Pinayagan ng Bureau of Corrections (Bucor) ang persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) na makausap ang kanilang mga mahal sa buhay kasabay ng pagbibigay-galang sa kanilang yumaong kamag-anak ngayong Undas.
Sa pamamagitan ny “Electronic Undas,” binigyan ng pagkakataon ang mga PDL na gunitain ang Undas online sa pamamagitan ng laptops at headphones mula kahapon (Nobyembre 1 ) hanggang ngayong araw. Dahil dito, nabigyan pagkakataon ang mga PDL na lumahok sa mga aktibidad ng kanilang mahal sa buhay kahit virtual lamang.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang na binibigyang-diin sa inisyatibang ito ang kahalagahan ng ugnayan ng pamilya sa gitna ng mga mapaghamon na pangyayari.
“We want to make sure that despite physical confinement, PDLs can still stay connected with their families during meaningful occasions,” ani Catapang.
Ngayong araw, pangungunahan ni Catapang at iba pang BuCor officials ang isang misa sa mass grave sa loob ng NBP Cemetery. Teresa Tavares