Home ENTERTAINMENT EA, walang ‘churva’ sa jowa!

EA, walang ‘churva’ sa jowa!

Manila, Philippines- Napakalakas kung tutuusin ang self-control ni EA Guzman.

Nakakabilib na all these years na magkasintahan sila ni Shaira Diaz ay keri niyang labanan ang kanyang makamundong damdamin.

Aniya, ‘yun daw kasi ang ipinangako niya sa mga magulang ng nobya.

Nagbitiw kasi ng promise si EA na hindi raw sila gagaya ni Shaira sa ibang showbiz couples na nagli-live in muna bago magpakasal.

Although nilinaw naman ng aktor that he has nothing against those couples.

Ang kanya ay willing siyang maghintay until Shaira is ready to settle down and build a family with him.

Pero aminado si EA na mahirap sikilin ang ganoong damdamin.

Marami raw kaakibat na sakripisyo ‘yon.

Pero worth it naman daw if only to prove to Shaira kung gaano niya ito kamahal, and with love comes respect.

Dahil dito, hindi na rin nahihirapang magpaalam ni Shaira sa kanyang mga magulang kung magkasama sila ni EA kahit saan even if they share the same bed together.

Nakuha na kasi ng aktor ang tiwala ng mga ito.

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ni EA dahil people look up to him.

Huwaran daw kasi siya sa mga kalalakihang may karelasyon.

Isang netizen naman ang may pagka-naughty na nagtanong ng: “Hindi ba sumasakit ang puson ni EA? If so, ano’ng ginagawa niya?”

Isang netizen naman ang pa-smart na sumagot ng: “Hanapin mo sa salitang ‘celibate’ ang sagot!”

Nakatakdang ikasal sina EA at Shaira sa August 2025. Ronnie Carrasco III