Home NATIONWIDE Easterlies, localized thunderstorms magpapaulan sa Pinas

Easterlies, localized thunderstorms magpapaulan sa Pinas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa ngayong Sabado at magdadala ng pag-ulan sa ilang lugar, ayon sa PAGASA. Makaaapekto naman ang localized thunderstorms sa iba pang lugar.

Inaasahan sa Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Nakaamba naman sa Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, at Quezon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms”  dahil pa rin sa easterlies.

Makararanas sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:30 ng umaga at lulubog ng alas-6:29 ng hapon. RNT/SA