MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng pag-ulan sa buong bansa ang easterlies.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang easterlies sa
Northern Mindanao, Caraga, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC