Manila, Philippines – Hindi na naitago ni Claudine Barretto ang tindi ng sama ng loob sa ‘di niya pagkakaimbita sa kasal ng kanyang pamamgking si Claudia.
Si Claudia ay isa sa tatlong anak ni Marjorie kay Dennis Padilla.
Sa kuwento ni Dennis sa vlog interview ni Ogie Diaz, pumalag daw si Marjorie sa balak na pag-attend ni Claudine.
Maging si Gretchen na ate nila’y hindi rin invited.
In-assure naman ni Dennis si Claudine na um-attend ito, saying: “I’ll sit beside you!”
Kampante si Dennis dahil siya nga naman ang father of the bride, only to be put in such an embarrassing situation.
Inihalo kasi si Dennis sa mga ninong na animo’y para lang siyang bisita.
But in fairness to Claudia, Dennis felt na hinahanap siya nito: “I could see it in her eyes!”
Samantala, pakiramdam ni Dennis that he has already done his part as a father.
Suko na raw siya sa tigas ng puso ng kanyang mga anak.
Naghabilin pa siya kay Ogie para iparating sa kanyang mga anak na hindi na nila makikita o makakausap muli ito.
Ani Dennis: “Siguro, the last time ay ‘yung nasa kabaong na ako…hindi ko naman sila ipaba-ban. Baka gusto nilang mag-donate pambili ng biskwit sa lamay ko!”
Batid ni Dennis na nakaka-relate ang mga tulad niyang magulang batay sa kanyang karanasang binastos siya sa mismong kasal ng anak. Ronnie Carrasco IIi