Home ENTERTAINMENT Ina ni Maymay, may cancer; Lola, may sakit din!

Ina ni Maymay, may cancer; Lola, may sakit din!

Manila, Philippines – “Huwag n’yo akong kaawaan…l just need your prayers!”

Ito ang emosyonal na pakiusap ni Maymay Entrata nang humarap sa press.

Labag man sa kanyang kalooban, ipinagtapat ng singer-actress ang kanyang pinagdadaanan sa pamilya.

Ang ina niya kasing si Lorna ay nagkaroon ng kumplikasyon sa kdney.

Nag-develop ito sa cancer, dahilan para sumailalim ito sa treatment sa Japan.

This explains why Maymay hadn’t been around the past two years.

Labas-masok din sa ospital si Mommy Lorna, who’s now staying in Cagayan de Oro.

Sa katunayan, kagagaling lang sa ospital ang ina ni Maymay on the day she met up with the entertainment press.

As though this isn’t enough, ipinagtapat din ni Maymay na may sakit din ang kanyang lola.

‘Yun nga lang, her mom’s medical case is worse.

Kung paanong nananatiling matatag si Maymay sa kabila nito, she says she owes her emotional strength to God, above all.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang home studio at mga kaibigan for the moral support she so badly needs.

Hangga’t maaari nga raw ay ayaw niyang mag-open up tungkol sa kanyang pinagdadaanan: “Dahil ayokong kaawaan n’yo ako.”

Hindi awa, Maymay, kundi pang-unawang may kasamang panalangin ang ipinagkakaloob sa iyo. Ronnie Carrasco III