Home NATIONWIDE Easterlies magpapaulan sa ilang lugar

Easterlies magpapaulan sa ilang lugar

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang easterlies sa eastern section ng bansa ngayong Martes at magpapaulan sa ilang lugar, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Davao Region, Caraga, at SOCCSKSARGEN na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Northern Luzon at sa eastern sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Samantala, makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-6:23 ng umaga at lulubog ng alas-5:57 ng hapon. RNT/SA